Minsan dumalo ako sa Conference... naanyayahan lang bilang tagaganap na kritiko... aks... kapwa mga estudyante, madre, pare, at mga administrador catholic school ako tsong.. kailangan daw suriin ang mga artikulo, komersyal, palabas sa telebisyon at pelikula, laganap na daw kasi ang pornograpiya. Minsan lang yun kaya di ko makalimutan.
At sa paksang Live Show, na pelikula nang isang premiyadong Direktor na si Direct Jose Javier Reyes. Naging isang napakalaking issue ito mas kilala ito sa pangalang Toro (Live Show).
Ano daw ang aming lagay sa palabas na ito...
Siyempre kanya kanya sila ang sentimyento, nakabinbin kasi ang pelikula ng mga panahong iyon ayaw ipalabas sa sinehan.. samantalang ako naman ay sabik na sabik... di naman ako sexually maniac, nag-papakatotoo lang ako.. Palibhasa naging kontrobersyal kaya lalo akong naging interesado..
Nagsalita ang pari, sabi niya masyado daw naging bastos ang mga eksena.. sa isip ko siguro puro himudan ang nakita nito doon at pagtatalik na walang humpay.. hmmm kaya pala usok na ang mga ilong ng mga taong ito.
Sabi ng mga estudyante. bakit niruruyakan nila ang Film industry kung pwede namang gumastos sa mas edukadong palabas at walang halong hubadan..
Natatawa ako at ako yata ang pinakamukhang tanga sa kanila.. sabi ko sa sarili ko itong mga taong ito hindi ko maintihan kong matalino ba talaga o natatakot lang mag-salita.
Haaaay samakatwid naubos ang oras sa kakasabing wag ipalabas ang pelikulang iyon dahil sa sobrang kabastusan.. Nag-salita na ako.. ang sabi ko "Meron po akong Piratang VCD ng Live Show, at ang sabi sa diyaryo marami raw itong naiuwing award dahil tinangkilik ng ibang bansa.." kakaiba ang reaksyon ng lahat.. hindi ko alam kung nagulat sila dahil maraming award ang Live Show o dahil may pirata akong VCD.. hehehe...
Kung mapapanood niyo ang palabas hindi kasarapan ng pakikipaghindutan ang mararamdaman ninyo, kundi ang katotohanang binababoy na nang kahirapan ang kahinhinan ng Pilipina natin sa ngayon.. Kaya kung hindi ito mapapanood ng mga kabataan at ng mga Pilipinong tunay na biktima.. paano pa nila malalaman na malala na ang kanser sa lipunan nila/natin.. Hindi bobo ang pinoy.. malisyoso lang...
Nakita ko ang reaksyon nang madre at sinabi niya sa akin nanood ka ng Live Show!! hindi ba't napakabastos nun..
Opo ba't niyo nasabing bastos napanood niyo na ba???
di ko na inantay ang sagot niya... dahil malamang hindi pa!
nakasanayan na kasing mangmang sa hubad na katotohanan kaya ang malimit na malinglang.. sino ba?? Diba mga Filipina!.. hindi kasi alam kung ano ang bastos kumpara sa pagtuturo na hindi mabastos!!!
Posted at 05:31 pm by purplekiss
Dilaan mo ako